Ipinag-utos na ngayon ni Pangulong Bengino "Noynoy" Aquino III ang pagsasaayos sa mapa ng Pilipinas matapos opisyal ng tawaging West Philippine Sea ang nakasanayang South China Sea.
Sa inilabas na Administrative Order 29,
kabilang sa tinukoy na magiging bahagi ng West Philippine Sea ang Luzon
Sea, gayundin ang karagatan sa paligid, sakop at kalapit ng Kalayaan
Group of Islands at Bajo de Masinloc na kilala rin sa tawag na
Scarborough Shoal.
Nakapaloob sa AO 29 na pirmado ng
Pangulo noong Setyembre 5 na walang paglabag ang pagpapangalan sa West
Philippine Sea sa alinmang international law hinggil sa pagdetermina ng
maritime territory.
Ibinatay din ito sa mga batas tulad ng
Presidential Decree 1599 na nagtatakda sa exclusive economic zone o EEZ
ng bansa, United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS at
Republic Act 9522 o Philippine Baseline Law.
Kaugnay nito, inaatasan ng Pangulo ang
National Mapping and Resource Information Authority o NAMRIA na gumawa
at maglathala ng mga charts at mapa ng Pilipinas na magpapakita sa West
Philippine Sea alinsunod sa AO 29.
Inatasan din ang Department of Foreign
Affairs na magsumite ng kopya ng AO 29 at bagong mapa ng Pilipinas sa
Secretary General ng United Nations at iparating din ito sa iba pang
international organizations gaya ng International Hydrographic
Organizations at UN Conference on the Standardization of Geographical
Names.
Naatasan din ang Department of
Education, Commission on Higher Education at lahat ng state universities
and colleges o SUCs na magpalabas ng circular na nagtatakda sa paggamit
ng bagong opisyal na mapa ng bansa sa mahahalagang pag-aaral,
researches at instructional materials gaya ng text books, instructional
materials at audio-visual presentations.
Sa ambush interview, sinabi ng Pangulo
na inaasahang mapapalakas ang claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea
sa pamamagitan ng AO 29.
Bukod sa Pilipinas at China, kasama rin sa umaangkin sa Spratlys ang Malaysia, Vietnam, Brunei at Taiwan.
“Section 1. The maritime areas on the
western side of the Philippine archipelago are hereby named as the West
Philippine Sea. These areas include the Luzon Sea as well as the waters
around, within and adjacent to the Kalayaan Island Group and Bajo De
Masinloc, also known as Scarborough Shoal.
"Section 2. The naming of the West
Philippine Sea is without prejudice to the determination of the maritime
domain over territories which the Republic of the Philippines has
sovereignty and jurisdiction.
"Section 3. The National Mapping and
Resource Information Authority (NAMRIA) shall produce and publish charts
and maps of the Philippines reflecting the West Philippine Sea in
accordance with this Order,” bahagi ng AO 29.(Bombo Radyo)