Huwebes, Setyembre 13, 2012

'West Philippine Sea’ opisyal na - gov't



Ipinag-utos na ngayon ni Pangulong Bengino "Noynoy" Aquino III ang pagsasaayos sa mapa ng Pilipinas matapos opisyal ng tawaging West Philippine Sea ang nakasanayang South China Sea.

Sa inilabas na Administrative Order 29, kabilang sa tinukoy na magiging bahagi ng West Philippine Sea ang Luzon Sea, gayundin ang karagatan sa paligid, sakop at kalapit ng Kalayaan Group of Islands at Bajo de Masinloc na kilala rin sa tawag na Scarborough Shoal.

Nakapaloob sa AO 29 na pirmado ng Pangulo noong Setyembre 5 na walang paglabag ang pagpapangalan sa West Philippine Sea sa alinmang international law hinggil sa pagdetermina ng maritime territory.

Ibinatay din ito sa mga batas tulad ng Presidential Decree 1599 na nagtatakda sa exclusive economic zone o EEZ ng bansa, United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS at Republic Act 9522 o Philippine Baseline Law.

Kaugnay nito, inaatasan ng Pangulo ang National Mapping and Resource Information Authority o NAMRIA na gumawa at maglathala ng mga charts at mapa ng Pilipinas na magpapakita sa West Philippine Sea alinsunod sa AO 29.

Inatasan din ang Department of Foreign Affairs na magsumite ng kopya ng AO 29 at bagong mapa ng Pilipinas sa Secretary General ng United Nations at iparating din ito sa iba pang international organizations gaya ng International Hydrographic Organizations at UN Conference on the Standardization of Geographical Names.

Naatasan din ang Department of Education, Commission on Higher Education at lahat ng state universities and colleges o SUCs na magpalabas ng circular na nagtatakda sa paggamit ng bagong opisyal na mapa ng bansa sa mahahalagang pag-aaral, researches at instructional materials gaya ng text books, instructional materials at audio-visual presentations.

Sa ambush interview, sinabi ng Pangulo na inaasahang mapapalakas ang claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng AO 29.

Bukod sa Pilipinas at China, kasama rin sa umaangkin sa Spratlys ang Malaysia, Vietnam, Brunei at Taiwan.
“Section 1. The maritime areas on the western side of the Philippine archipelago are hereby named as the West Philippine Sea. These areas include the Luzon Sea as well as the waters around, within and adjacent to the Kalayaan Island Group and Bajo De Masinloc, also known as Scarborough Shoal.

"Section 2. The naming of the West Philippine Sea is without prejudice to the determination of the maritime domain over territories which the Republic of the Philippines has sovereignty and jurisdiction.

"Section 3. The National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) shall produce and publish charts and maps of the Philippines reflecting the West Philippine Sea in accordance with this Order,” bahagi ng AO 29.(Bombo Radyo)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento