JAKARTA – Tinawag na "counter-productive" ng Indonesia ang pagpapalabas ng China ng kontrobersiyal na e-passport kung saan naka-imprinta ang mapa ng mga teritoryong inaangkin nito.
Sa isang pahayag, sinabi ni Indonesian Foreign Minister Marty Natalegawa, na hindi umano nakakatulong ang naturang hakbang ng Beijing para mapahupa ang tensyon sa pagitan ng mga claimant states sa West Philippine Sea.
Bagama't hindi kasama ang Indonesia sa mga bansang may inaangking teritoryo sa rehiyon, pero isa ito sa mga nagsilbing mediators para sa pag-uusap ng China at mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Una ng nanawagan ang Pilipinas na dapat umanong burahin ng China ang naka-imprintang mapa sa kontrobersiyal na e-passport, kung ayaw nitong maging "big deal" ang nabanggit na usapin.
Ginawa ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario ang pahayag bilang reaksyon sa sinabi ng China na hindi na dapat palakihin pa ang isyu hinggil sa bago nitong electronic passport.
Binigyang diin pa ng kalihim na malinaw umanong paglabag sa international law ang labis na pang-aangkin ng China ng teritoryo.
Maliban sa Pilipinas, una na ring umalma ang Vietnam at India sa bagong e-passport ng China
Magandang araw po. Nais ko sanang hingin ang inyong pahintulot para mailathala ang teksto na naka-paskil sa webpage na ito. Ang artikulo ay aming ilalathala sa isang teksbook. Maaari po kayo magpadala ng mensahe sa:abivabookdev.kp upang malaman ang karagdagan impormasyon sa aming request. Salamat po.
TumugonBurahin