Miyerkules, Agosto 8, 2012

Lugar na nasa state of calamity, dumarami


Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga lugar sa Luzon na isinasailalim sa state of calamity.
Sa latest information na ipinarating ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga nasa state of calamity ang lungsod ng Maynila, Pasay, Malabon, San Juan, Navotas, Muntinlupa, Marikina at Pateros sa Metro Manila.
Ganon din sa mga lalawigan ng Bataan, Laguna, Bulacan, Pampanga, Zambales at ilang bahagi ng lalawigan ng Rizal.
Sa report pa rin ng NDRRMC, mahigit 1.2 million ang bilang ng mga apektado ng baha sa NCR, Ilocos Norte at Sur, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas.
Nasa P13.64 million naman ang halaga ng relief assistance na naipagkaloob sa mga biktima ng baha; P7,669,796.20 mula sa DSWD, P4,839,379.50 mula sa LGUs at P1,135,400.00 mula sa NGOs.
Maging ang 52,293 families o 264,814 katao na nasa labas ng evacuation centers ay nabigyan na rin ng tulong.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento