WASHINGTON - Binatikos ngayon ng Amerika ang China sa paglagay ng bagong military garrison sa South China Sea na lalo pang nagpaigting sa tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Maalala na noong nakaraang linggo ay nagtalaga na ang Beijing ng garrison sa binuo nitong Sansha City na nakabase sa Paracel island, bagay na inalmahan ng Pilipinas at Vietnam na kabilang sa mga claimants ng dsiputed islands.
Sinabi ni US State Department Spokesman Patrick Ventrell na mahigpit nilang minomonitor ang mga kaganapan sa West Philippine Sea.
"We are concerned by the increase in tensions in the South China Sea and are monitoring the situation closely," ani Ventrell.
Hindi raw naaayon ang paglagay ng China ng garrison, sa hangaring maresolba sa pamamagitan ng diplomasya ang territorial dispute.
Ayon pa kay Ventrell, lalo lang ginagatungan ng Beijing ang tensyon at nanawagan sa mga claimant states na huwag nang paigtingin pa ang matensyong sitwasyon ngayon sa mga pinag-aagawang isla.
"In particular, China's upgrading of the administrative level of Sansha city and establishment of a new military garrison there covering disputed areas of the South China Sea run counter to collaborative diplomatic efforts to resolve differences and risk further escalating tensions in the region," dagdag pa ng US State Department spokesman.
"The United States urges all parties to take steps to lower tensions."
Muli namang iginiit ng Amerika ang interes nito sa pagkakaroon ng kapayapaan sa South China Sea pero binigyang diin na walang kinakampihan sa mga claimants ng pinag-aagawang teritoryo. (AFP)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento