Martes, Abril 24, 2012

Banta ng 'small-scale war,' Phil vs China iresponsable - DFA



Minaliit lamang ng gobyerno ng Pilipinas ang lumabas na banta sa isang Chinese daily na umano'y posibleng mauwi sa "small-scale war" ang namamagitang standoff sa Scarborough Shoal.
Una rito, nailathala sa editoryal ng pahayagang The Global Times na dapat umanong paghandaan na ng China ang posibleng pagsiklab ng giyera sa pinag-aagawang teritoryo sa pagitan ng Pilipinas.
"Once the war erupts, China must take resolute action to deliver a clear message to the outside world that it does not want a war, but definitely has no fear of it," ayon sa naturang pahayagan
Pero sa panig ng Department of Foreign Affairs (DFA), hayagang tinawag na iresponsable  ni spokesman Raul Hernandez ang nasabing editoryal.
Tumanggi rin si Asec. Hernandez na patulan pa ang naturang pahayag. 
"Such irresponsible comments do not merit a response from us," giit ni Hernandez.
Samantala, hayagan namang tinawag na sinungalin ng Armed Forces of the Philippines ang China kaugnay sa deployment ng mga barko nito sa West Philippine Sea.
Una rito, taliwas sa pahayag ni embassy spokesman Zhang Hua, iniulat ni AFP-Northern Luzon Command chief Lt. Gen. Anthony Alcantara, na hindi pa rin umaalis sa pinag-aagawang teritoryo ang mga Chinese vessels.
“We are telling them they’re not telling the truth,” ani Alcantara.(Bombo Radyo)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento