Martes, Abril 24, 2012

Pres Noy, date si Grace Lee sa Sergio Mendes concert


Bukod sa mga karaniwang fans, mga VIPS at kilalang personalidad ang dumayo sa concert ng Brazilian at Oscar-winning singer na si Sergio Mendes kagabi sa Araneta Coliseum.
Isa sa mga audience ay mismong ang Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.
Ka-date ng Pangulo ang girlfriend na si Grace Lee, na taliwas naman sa mga usap-usapang hiwalay na ang dalawa.
Magkasamang dumating sa venue ang Pangulo at ang TV host na pinatapos pa ang concert.
Ayon sa Twitter post ni Atty. Karen Jimeno, spokesperson ng defense team ni Chief Justice Renato Corona na nanood din sa concert ng bossa nova legend, kaniya pang nakita sina Pangulong Aquino at Lee.
Nasa lower box section pumuwesto ang Pangulo at si Lee kasama ang Presidential sisters na sina Ballsy Cruz, Pinky Abellada, Viel Dee at ilan pang miyembro ng pamilya Aquino.
Si Transportation Sec. Mar Roxas at misis nitong si Korina Sanchez na nanood din ng concert, ang nag-welcome sa Presidente.
Hindi rin nagpahuli sa concert sina dating Pangulong Joseph Estrada at misis na si Dr. Loi Ejercito, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, Gretchen Barretto at partner na si Tony Boy Cojuangco.
Si Sergio Mendes ang nagpasikat ng mga awiting "Never Gonna Let You Go," "What Do We Mean To Each Other" at marami pang iba. (BR)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento