Lunes, Abril 23, 2012

Contractors naghahabol sa naglahong komisyon


Hinahabol ngayon ng dalawang contractor ang mister ng isang vice ­mayor sa Mountain Pro­vince matapos umano nitong takasan at hindi ibigay ang isang milyong pisong komisyon.
Sa isang media forum sa Maynila, sinabi ng dala­wang contractor na sina Rio Bonifacio, 46, at Julia Santos, 59, kapwa ng Quezon City, pinagtataguan na umano sila ng asawa ng vice mayor sa isang bayan sa Mt. Province.
Ayon kay Bonifacio at Santos, hiningi umano sa kanila ng asawa ng vice mayor ang isang government project na siya na lamang ang gagawa para sa isang bayan sa Mt. Province.
Bagama’t wala uma­nong kasulatan dahil magkakaibigan ay pumayag ang mga ito na ibigay sa asawa ng vice mayor ang kontrata sa kondisyong bibigyan sila ng isang mil­yong pisong komisyon.
Subalit, laking gulat ng dalawa nang bigla na lamang ‘magtago’ at hindi na sumasagot sa mga tawag at text matapos makuha ang pondo para sa isang P11 million road repair project.(Abante-Tonite)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento