Sabado, Hulyo 21, 2012

China, OK sa 'code of conduct' ng ASEAN


Nakahanda umanong makipag-tulungan ang China sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagpapatibay ng nabuong “code of conduct” sa pagresolba sa isyung namamagitan sa West Philippine Sea (South China Sea).
Pero sa kabila nito, nanindigan pa rin si Chinese Foreign Ministry spokesman Hong Lei na ang umiinit na maritime conflicts ay mareresolba lamang batay sa aniya'y "historical facts" at mga isinasaad ng international laws, kabilang ang United Nations Convention of the Law of the Sea (UNCLOS).
“The Chinese side is willing to work together with the ASEAN members to implement the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) comprehensively and effectively,” ayon sa opisyal.
Maalala na iginigiit ng China na ang karapatan nitong angkinin ang ilang teritoryo sa area ay dahil sa "historical basis" nito.
"China has sufficient historical and jurisprudential evidence for its sovereignty over the Nansha islands and the adjacent waters," giit ni Hong.
Una rito, nagkasundo ASEAN sa isang 'code of conduct' sa pinagtatalunang West Philippine Sea (South China Sea).
Magugunitang nagkaroon ng lamat ang ASEAN matapos sa kauna-unahang pagkakataon, nabigo ang regional bloc na makapaglabas ng joint statement sa ginawang ministers meeting sa Cambodia.
Sa ginawang press conference ni Cambodian Foreign Minister Hor Namhong, sinabi nitong ang kasunduan ay kinabibilangan ng anim na prinsipiyo bilang gabay sa pagtrato sa Spratlys.
Nakapaloob dito ang pagrespeto sa international law at hindi paggamit ng anumang puwersa sa pagresolba ng tensyon.
Nagtataka naman si Namhong dahil pumayag na ang Pilipinas at Vietnam sa mga nabanggit na puntos na kanilang inayawan umano sa ASEAN meeting.
"Why did two ASEAN countries absolutely oppose (it) and now they agree with it?" ani Hor Namhong.
Una ng sinisi ng ilang diplomats ang Cambodia sa kabiguan ng ASEAN dahil tinanggihang banggitin sa joint statement ang usapin ng West Philippine Sea.
Sinasabing malapit na kaalyado ng China ang Cambodia kaya hinarang ang pagbanggit ng aniya'y 'bilateral issue.'
Una ng nagpursige pa si Indonesian Foreign Minister Marty Natalegawa at sinadya ang Hanoi, Manila at Phnom Penh para maresolba ang lamat sa ASEAN,

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento