Biyernes, Hulyo 27, 2012

Commanders sa 'Spratly garrison' itinalaga

Lalo pang pinalakas ngayon ng China ang kanilang puwersa sa bahagi ng West Philippine Sea, kasunod nang pagkakatalaga ng mga military officers na mamamahala sa itinatag na military garrison sa area.

Inanunsyo ni Chinese defense ministry spokesman Yang Yujun ang appointment nina Senior Colonel Cai Xihong bilang garrison commander at Senior Colonel Liao Chaoyi, bilang political commissar.

Ayon sa opisyal, kabilang sa mga responsibilidad ni Yang ay defence mobilisation.

"Whether a military establishment has combat forces or not depends on its military tasks," ayons a opisyal.
Maliban dito, mayroon din umanong hiwalay na maritime garrison sa ilalim ng hurisdiksyon ng Chinese Navy na siyang responsable sa maritime defence at military combat.

Maalala na nagpahayag ng mariing pagtutol ang Pilipinas sa anunsyo ng China na pagdeploy ng military garrison.

Naghain din ng hiwalay na diplomatic protest ang bansa sa pagbuo ng Beijing ng "Sansha City" na siyang mamamahala ng Spratlys, Paracel at Scarborough Shoal.

Una rito, bumuo na rin ang China ng local legislative body para sa nasabing prefectural-level city, kabilang ang isang mayor at mga deputies.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento