Ayon kay Comelec chairman Sixto
Brillantes, ngayong tapos na umano ang kanilang trabaho sa Autonomous
Region in Muslim Mindanao ay maari na nilang umpisahan uli ang
pagtanggap ng mga registrants sa buong bansa.
Sinabi pa ni Brillantes na magtatapos ang nationwide general registration sa October 31.
Target naman aniya ng poll body na
makapagpalabas ng final list of voters para sa ARMM bago ang pagsisimula
ng paghahain ng mga certificates of candidacy.
Samantala, hindi na umano magagamit sa
2013 elections ang may 1,000 mga Precinct Count Optical Scan (PCOS)
machines na binili ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Chairman Sixto
Brillantes, sa mahigit 82,000 units ng nasabing mga makina, nasa 50,000
na umano ang kanilang sinuri at nakapasa sa hardware acceptance testing,
habang ang may 30,000 ay sinusubukang ayusin dahil sa ilang mga
depekto.
Una ng naglaan ang Comelec ng P1.8
million na pondo para sa pagbili ng nasabing mga makina na unang ginamit
noong 2010 presidential elections.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento