Martes, Hulyo 31, 2012

Philippine government itinuloy na ang bidding sa oil exploration

Sa kabila nang pagkontra ng China, sinimulan na ng Philippine government ang bidding para sa tatlong oil at gas exploration contracts sa bahagi nang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Department of Energy (DoE) Usec. Jose Layug, sakop ng oil exploration contracts ang ilang areas sa northwest Palawan basin.

Iginiit din nito na ang nasabing area ay saklaw ng exclusive economic zone ng Pilipinas kung kaya't wala umanong duda na pag-aari ito ng bansa.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng nakatayong natural gas fields sa lugar na sinasabing nagsu-supply nang halos 40 porsyento ng electrical power sa Luzon.

Sinasabing mayroon ng 40 kompaniya, kabilang ang Nido Petroleum ng Australia, Repsol ng Spain, GDF Suez ng France at Eni ng Italy ang nagsumite ng kanilang bidding requirements sa DoE.

Tiwala naman si Usec. Layug na hindi maapektuhan ang interest ng mga investors sa namamagitang tensyon sa pagitan ng China.

“Historically, the Philippines has always attracted bids from medium-sized exploration companies. They do seismic surveys, and if they have (good) results, that’s when the big boys come in,” ani Layug sa isang panayam.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento