Sabado, Hunyo 30, 2012

Kaso ng pagdukot sa Pinoy worker sa Kenya, tinututukan na - DFA


Nakikipag-ugnayan na ang Philippine embassy sa Nairobi sa Kenyan government hinggil sa ginagawang hakbang kaugnay sa pagkakadukot ng isang Pinoy worker sa rehiyon.

Ayon kay Department of Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez, maliban sa mga local authorities, nakikipag-ugnayan din ang embahada sa Norwegian Refugee Council at iba pang foreign embassies na kasama ang kanilang kababayan sa mga dinukot.

Una rito, naiulat ang pagkakadukot sa nasabing Filipino aid worker na kinilalang si Glenn Costes at tatlong kasamang dayuhan sa bahagi ng Ifo2 West Dadaab refugee camp.

Sinasabing sinalakay ng armadong grupo ang refugee camp kung saan isa ang napatay at dalawa ang nasugatan.

Kaagad namang naglunsad ng rescue operations ang Kenyan security forces sa border regions ng Somalia, kung saan pinaniniwalaang dinala ang tatlo.

"The search is intensifying and more security forces have been sent to make every effort possible but, so far, no one has been recovered," ani Kenyan army spokesman Cyrus Oguna sa isang panayam.

Nag-deploy na rin umano ng aerial search ang militar.

"The information we have is that the attackers came from the camp, and it raises serious questions that if they were refugees, how they got into the camp armed," dagdag naman ni Kenyan Defence Minister Yusuf Haji.

Biyernes, Hunyo 29, 2012

Pagpatay sa aso krimen na



MANILA, Philippines - Isa ng krimen na may katapat na parusang anim na taong pagkakakulong ang kakaharapin ng mga mahuhuling pumapatay ng aso at iba pang uri ng hayop na hindi karaniwang kinakain ng tao.

Ito’y matapos amyendahan ng House bill 6049 na inihain ni Guimaras Rep. JC Rahman ang Republic Act 8585 o ang “Animal Welfare Act” sa pamamagitan ng paglikha ng Animal Welfare Division at Animal Welfare Advisory Committee sa ilalim ng Bureau of Animal Industry ng Department of Agriculture (DA).

Layunin nito na protektahan ang mga aso at parusahan ang nagmamaltrato, nananakit, pumapatay sa mga ito at gumagamit sa mga aso para sa anumang eksperimento.

Maaari naman patayin ang mga hayop bilang pagkain o anumang panga­ngailangan ng mga tao gaya ng baboy, manok, tupa, kambing, kuneho, kalabaw, baka, kabayo, usa at ibang poultry animals.

Pinapayagan din ang pagpatay sa hayop kung ito ay bahagi ng religious rituals, tribal o ethnic custom ng indigenous communities at kung ang hayop ay may sakit na posibleng makahawa sa tao.

Sa ilalim ng panukala ang mga lalabag ay nahaharap sa anim na buwan hanggang anim na taon na pagkakakulong o multa na hindi kukulangin sa P5,000 at hindi rin hihigit sa P50,000.



Miyerkules, Hunyo 27, 2012

KILLER KIDLAT NAKAKARAMI NA!

Sa ikatlong pagkakataon, nag-isyu ng babala ang National Di­saster Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC) sa publiko laban sa kidlat matapos maitala ang sunud-sunod na pagkamatay ng mga nagiging biktima nito.

Pinaigting pa ng naturang ahensya ang public warning dahil sa ulat ng patuloy na paglakas ng bagyong ‘Dindo’.

Sa panayam ng Abante kay NDRRMC executive director Undersec. Benito Ramos, noong araw ng Martes (Hunyo 26) lamang ay 6-katao nasawi sa killer kidlat sa magkakahiwalay na bahagi ng bansa habang lima pa ang sugatan.

Sa tala ng NDRRMC, ito ay sa mga lugar ng San Mateo, Rizal kung saan dalawa ang nasawi; Coron, Palawan na kumitil din ng dalawa; at tig-isa naman sa Biliran at Urdaneta, Pangasinan.

Kabilang sa mga nasawi sina Jepoy Carriaga, 18 at Jayson Cristobal, 15-anyos na tinamaan ng kidlat sa Barangay Sta. Ana, San Mateo, Rizal.

Sugatan naman sa insidente sina Alfredo Cristobal, Eli Morales, Boknoy Morales, Bitoy Morales at isang babaeng hindi pa nakikilala.

 Natagpuan namang lumulutang sa tabi ng kanilang bangka ang mangingisdang sina Toto Ranis at Jomar Dilao na umano’y tinamaan ng kidlat habang nangingisda sa karagatang sakop ng Gintongan Island, Bulalacao, Coron, Palawan.

Si Eugene Lopez, 17-anyos, ay agad nalagutan ng hininga nang tamaan ng kidlat habang nanghuhuli ng insektong exotic food na ‘ararawan’ sa kanilang bukid sa Urdaneta, Pangasinan.

Ayon kay Ramos, ang babala ay hindi lamang ngayon inilabas kundi makailang ulit na rin dahil napakarami ng insidente ng pagkasawi sa killer kidlat.

Nadagdag sa humahabang listahan ng mga nasawi sa kidlat ang isang Allan Casas, 48, taga-Bgy. Atipolo, Naval, Leyte na nadale dakong alas-kuwatro ng madaling-araw.(AbanteTonite)

OVERPRICED PA ANG LANGIS SA PINAS

Kinastigo ng isang kongresista ang Department of Energy (DOE) dahil tila hindi umano ginagawa ng mga ito ang kanilang tungkulin na protektahan ang mga consumers dahil overpriced pa umano ang presyo ng langis sa bansa.

Sa lingguhang press conference, ginigising ni House minority leader Danilo Suarez ang DOE dahil bukod sa problema sa kuryente ay nagpapabaya umano ang mga ito sa presyo ng langis.

Hindi umano dapat makuntento ang DOE sa presyo ng langis sa kasalukuyan dahil kumakabig nang husto ang mga oil companies kahit patuloy ang pagpapatupad ng mga ito ng oil price rollback.

Sa datos na ihinarap ni Suarez, P35.05 umano ang dapat na presyo ng kada litro ng diesel ngayon dahil naglalaro na lamang sa $80 hanggang $82 ang bawat bariles ng krudo sa world market habang P43.43 na lamang umano ang dapat na presyo ng gasolina.

Ibinase ni Suarez ang kanyang datos noong April 2010 pricing kung saan $82.90 ang kada bariles ng langis sa world market at P43.69 lamang ang kada litro ng gasolina habang P34.82 naman ang diesel.

Ang matindi umano, mas malakas ngayon ang piso kontra dolyar dahil P42:$1 ang exchange rate kumpara noong 2010 na P44:$1 ang palitan ng pera ng Pilipinas at Amerika.

Gayunpaman, ang pres­yo pa rin aniya ng gasolina sa kasalukuyan ay P46 hanggang P47 kada litro, habang P38.75 kada litro naman ang diesel kaya malaki umano ang dipe­rensya ng presyo na dapat umanong itama ng DOE para mabigyan ng ginhawa ang taumbayan lalo na’t $80 hanggang $82 na lamang ang bawat bariles ng krudo sa world market.

“Buksan na ang kanilang libro. Sobra na iyan,” ani Suarez nang tanungin kung ano ang dapat gawin ng DOE at MalacaƱang dahil wala na umano sa katuwiran ang mga kumpanya ng langis.

“Dapat matagal na i­yang nai-rollback,” dag­dag pa ni Suarez dahil kung magtaas ng presyo ang world market ay sinasabayan agad ng mga kumpanya ng langis.(AbanteTonite)

Martes, Hunyo 26, 2012

US attack submarine docks at Subic

The USS Louisville, a Los Angeles-class nuclear-powered attack submarine, arrived on Subic Bay Monday for a routine port call, according to the US Embassy in Manila.

In a news release, the embassy said the visit would allow the submarine to restock and give its crew of more than 130 an opportunity to rest.

According to the US Navy website, the Louisville is one of the most advanced attack submarines in the world. Its mission is to seek out and destroy enemy ships and submarines.

The 110-meter submarine was commissioned on Nov. 8, 1986, at the US naval base in New London, Connecticut.

Weighing 6,900 tons, it is armed with sophisticated MK-48 torpedoes and Tomahawk cruise missiles, among other weapons.

Based in Pearl Harbor, Hawaii, the Louisville made naval history by firing the first submarine-launched Tomahawk missile during Operation Desert Storm in Iraq in the 1990s.

Col. Omar Tonsay said the Louisville had no other mission in the Philippines except replenishment.

The submarine requested clearance to dock at Subic in May, Tonsay said. It is staying until Saturday.
He added that the Louisville’s arrival had nothing to do with the territorial dispute between China and the Philippines in the West Philippine Sea (South China Sea).

Roberto Garcia, chairman of the Subic Bay Metropolitan Authority, said businesses engaged in logistics and tourism would benefit from the Louisville’s visit.

“But under the [Visiting Forces Agreement],” he said, [the submarine will not pay port usage fees. The sub’s personnel will spend on shore in restaurants [and other establishments].”

In an earlier interview, Garcia said he would welcome American troops as long as their visits kept the terms of the Visiting Forces Agreement.

“[This means that there would be] no land-based military operations,” he said.

Last month, the Virginia-class attack submarine USS North Carolina, one of the stealthiest and most technologically advanced nuclear-powered submarines in the world, made a similar port call in Subic.
The North Carolina arrived amid a standoff between the Philippines and China at Scarborough Shoal in the West Philippine Sea.

Late last year, the nuclear-powered aircraft carrier USS Carl Vinson sailed into Manila Bay. It was the same ship that reportedly buried Osama bin Laden in the Arabian Sea after the al-Qaeda chief was killed in a raid by US commandos on his hideout in Abbottabad, Pakistan, in May 2011.

The Carl Vinson was escorted by two guided missile cruisers and a destroyer. The four warships were manned by more than 6,000 sailors.

Filipinos, Vietnamese in US close ranks: Boycott Chinese products

NEW YORK CITY—Dozens of Filipinos and Vietnamese Americans joined forces as they called for a boycott of Chinese products and urged Beijing to stop its creeping aggression toward countries around the West Philippine Sea (South China Sea).

“Boycott Made-in-China,” said Eric Lachica of the U.S. Pinoys for Good Governance, which organized the rally held June 22 in front of the United Nations headquarters.

China’s claims over the West Philippines’ Sea in the Panatag Shoal (or Scarborough) and over Vietnam’s Sea are a recurring dispute. Both countries maintain China has been violating international laws of the
sea.

Dr. Hoi Van Do, president of the Vietnamese community in Florida said his country and the Philippines are on the same side of the issue.

“Communist China dominates and takes over our islands and Scarborough Shoal of the Philippines,” he told The FilAm. “We are against them and we support you against them.”

Filipinos and Vietnamese leaders are slated to meet with the CEOs of major retailers like Wal-Mart, Costco, K-mart, Home Depot and others, urging them to stop selling Chinese-made merchandise. They said they would warn retail chains about communist China’s “imperialistic policies and undemocratic rule and widespread human and labor rights violations.”

Dr. Do and many rally organizers, such as Rene Ballenas and Bambi Lorica, pledged they were even willing to stay away from Chinese restaurants.

“We are global citizens scattered throughout the world who can mobilize and galvanize public opinion against China,” said rally speaker Joe Ramos said. “China’s export economy is very vulnerable.”

Lachica said the Boycott-China campaign will “change history,” harnessing the support of millions of Asian Americans. He said People Power in America could start with the 1.5 million Vietnamese in the
U.S. and the approximately four million Filipino Americans.

“If only one million of us, Filipinos, out of the four million will not buy Chinese products or goods just once a month, we will create a huge financial penalty on China. China will lose almost a quarter of a
billion dollars per year,” Lachica projected.

He stressed Filipinos are not against Chinese people or Chinese American friends, but “if we value our economy and our freedom of labor, we should boycott and not buy Chinese communist products.”
He said further that the global community should close ranks against Beijing’s bullying and be made aware that the communist government is using its might to encroach on smaller countries like the Philippines and Vietnam.

“This is treachery, an invasion of Philippine territory,” Loida Nicolas Lewis, chair of the U.S. Pinoys for Good Governance, said in a statement. “Their (China) ships are still in the Panatag Shoal and continue to violate international laws. We want this issue brought to the United Nations International Tribunal on the Law of the Sea. China has refused to agree. China’s government is belligerent.”

Miyerkules, Hunyo 20, 2012

Pacquiao panalo vs Bradley sa WBO rescoring



Pacquiao panalo vs Bradley sa WBO rescoring

Tinapos na ng World Boxing Organization (WBO) ang kanilang imbestigasyon sa kontrobersiyal na split decision win ni welterweight champion Timothy Bradley Jr., kay 8-division world champion Manny Pacquiao.

Ginawa ng WBO ang pag-iimbestiga kasunod ng batikos na inabot ng dalawa sa tatlong hurado sa Pacquiao-Bradley fight.

Sa inilabas na resulta ng rescoring ng five-man panel ng WBO matapos panoorin ang video tape ng Pacquiao-Bradley bout, lumabas na landslide victory ang ibinigay sa Pinoy boxing champion.

Ang mga iskor ay nasa 115-111, 116-112, 117-111, 118-110, 117-111, kung saan walong rounds ang napanalunan ni Pacman.

Pero ang nasabing resulta sa rescoring ay hindi na magpapabaligtad pa sa naunang desisyon dahil ang Nevada State Athletic Commission (NSAC) ang may kapangyarihan sa naganap na kontrobersiyal na laban.
Ang WBO ay isa sa mga prestihiyosong boxing body sa mundo.

Kung maaalala lumabas sa naunang scorecards nina Jerry Roth ang 115-113 para kay Pacquiao, habang sina C.J. Ross at Duane Ford ay nagbigay ng 115-113 pabor naman kay Bradley. 

Lunes, Hunyo 18, 2012

Pullout ng Chinese vessels, ipinag-utos na rin


Matapos ang ginawang pag-pullout ng Pilipinas sa mga barko nito sa pinag-aagawang Scarborough shoal, ipinag-utos na rin ng Beijing ang pagpapa-uwi sa mga Chinese vessels sa area.
Sa kalatas ng Chinese embassy sa Maynila, pinapayuhan ang mga Chinese fishermen na pansamantala munang bumalik sa mainland dahil sa banta ng bagyo sa karagatan.
Nakatakda rin umanong magpadala ng rescue vessel ang Chinese government para sa posibleng rescue operations sa kanilang mga kababayang mangingisda.
"Due to the inclement weather and strong tide in the Huangyan Island waters, in order to help Chinese fishermen and fishing boats pull out safely for shelter, Nanhaijiu-115 vessel has set out to the area to provide necessary assistance."
Una rito, pinuri ni Chinese embassy spokesman Zhang Hua ang hakbang ng Pangulong Benigno Aquino III na i-pullout sa Scarborough ang mga Philippine vessels.
Sinabi pa ni Zhang, na siya ring political section deputy chief ng embahada, na malaking hakbang ito para mapahupa ang tensyon sa pinag-aagawang teritoryo.
Pero naninindigan ang MalacaƱang na dahil sa bagyong Butchoy ang dahilan ng pagpull-out ng mga barko ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) mula sa Scarborough Shoal.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang anumang arrangenment o pressure mula sa China para iutos ng Pangulo ang nasabing pull-out.

Sabado, Hunyo 2, 2012

10 Pinoy namamatay sa yosi kada oras


MANILA, Philippines - Sampung Pinoy kada oras ang namamatay dahil sa mga sakit na may kaugnayan sa paninigarilyo tulad ng lung cancer, cardio vascular disease at stroke.

Dahil dito, sinabi ni Health Undersecretary Eric Tayag na mas paiigtingin nila ang kanilang kampan­ya kabilang na ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at pagtataas ng sin tax.

Layunin anya ng pa­mahalaan na mabawasan ng one-fourth ang bilang ng naninigarilyo. Tinataya sa buong mundo na sa taong 2020 ay aabot sa 100 milyon ang maililigtas na buhay.

Bagama’t ang pagtataas ng sin tax ang isa rin sa pinaka epektibong paraan na nakikita ng gobyerno dahil itataas ang  presyo ng sigarilyo bawat kaha nito, posible umanong gumawa naman ng paraan ang mga cigarette companies upang gawin ng tingi-tingi ang bentahan ng sigarilyo.

Nagiging ugali umano ng mga Pinoy na bumibili sa sachet o tingi-tingi para makatipid. Kadalasan ding mas inuuna pa ng mga Pinoy ang bumili ng yosi kaysa pagkain.(Ni Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon)