Nakikipag-ugnayan
na ang Philippine embassy sa Nairobi sa Kenyan government hinggil sa
ginagawang hakbang kaugnay sa pagkakadukot ng isang Pinoy worker sa
rehiyon.
Ayon
kay Department of Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez, maliban sa
mga local authorities, nakikipag-ugnayan din ang embahada sa Norwegian
Refugee Council at iba pang foreign embassies na kasama ang kanilang
kababayan sa mga dinukot.
Una
rito, naiulat ang pagkakadukot sa nasabing Filipino aid worker na
kinilalang si Glenn Costes at tatlong kasamang dayuhan sa bahagi ng Ifo2
West Dadaab refugee camp.
Sinasabing sinalakay ng armadong grupo ang refugee camp kung saan isa ang napatay at dalawa ang nasugatan.
Kaagad
namang naglunsad ng rescue operations ang Kenyan security forces sa
border regions ng Somalia, kung saan pinaniniwalaang dinala ang tatlo.
"The
search is intensifying and more security forces have been sent to make
every effort possible but, so far, no one has been recovered," ani
Kenyan army spokesman Cyrus Oguna sa isang panayam.
"The
information we have is that the attackers came from the camp, and it
raises serious questions that if they were refugees, how they got into
the camp armed," dagdag naman ni Kenyan Defence Minister Yusuf Haji.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento