Pacquiao panalo vs Bradley sa WBO rescoring
Tinapos na ng World Boxing Organization (WBO) ang kanilang
imbestigasyon sa kontrobersiyal na split decision win ni welterweight champion
Timothy Bradley Jr., kay 8-division world champion Manny Pacquiao.
Ginawa ng WBO ang pag-iimbestiga kasunod ng batikos na
inabot ng dalawa sa tatlong hurado sa Pacquiao-Bradley fight.
Sa inilabas na resulta ng rescoring ng five-man panel
ng WBO matapos panoorin ang video tape ng Pacquiao-Bradley bout, lumabas
na landslide victory ang ibinigay sa Pinoy boxing champion.
Ang mga iskor ay nasa 115-111, 116-112, 117-111, 118-110,
117-111, kung saan walong rounds ang napanalunan ni Pacman.
Pero ang nasabing resulta sa rescoring ay hindi na
magpapabaligtad pa sa naunang desisyon dahil ang Nevada State Athletic
Commission (NSAC) ang may kapangyarihan sa naganap na kontrobersiyal na laban.
Ang WBO ay isa sa mga prestihiyosong boxing body sa mundo.
Kung maaalala lumabas sa naunang scorecards nina Jerry Roth
ang 115-113 para kay Pacquiao, habang sina C.J. Ross at Duane Ford ay nagbigay
ng 115-113 pabor naman kay Bradley.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento