Miyerkules, Hunyo 27, 2012

OVERPRICED PA ANG LANGIS SA PINAS

Kinastigo ng isang kongresista ang Department of Energy (DOE) dahil tila hindi umano ginagawa ng mga ito ang kanilang tungkulin na protektahan ang mga consumers dahil overpriced pa umano ang presyo ng langis sa bansa.

Sa lingguhang press conference, ginigising ni House minority leader Danilo Suarez ang DOE dahil bukod sa problema sa kuryente ay nagpapabaya umano ang mga ito sa presyo ng langis.

Hindi umano dapat makuntento ang DOE sa presyo ng langis sa kasalukuyan dahil kumakabig nang husto ang mga oil companies kahit patuloy ang pagpapatupad ng mga ito ng oil price rollback.

Sa datos na ihinarap ni Suarez, P35.05 umano ang dapat na presyo ng kada litro ng diesel ngayon dahil naglalaro na lamang sa $80 hanggang $82 ang bawat bariles ng krudo sa world market habang P43.43 na lamang umano ang dapat na presyo ng gasolina.

Ibinase ni Suarez ang kanyang datos noong April 2010 pricing kung saan $82.90 ang kada bariles ng langis sa world market at P43.69 lamang ang kada litro ng gasolina habang P34.82 naman ang diesel.

Ang matindi umano, mas malakas ngayon ang piso kontra dolyar dahil P42:$1 ang exchange rate kumpara noong 2010 na P44:$1 ang palitan ng pera ng Pilipinas at Amerika.

Gayunpaman, ang pres­yo pa rin aniya ng gasolina sa kasalukuyan ay P46 hanggang P47 kada litro, habang P38.75 kada litro naman ang diesel kaya malaki umano ang dipe­rensya ng presyo na dapat umanong itama ng DOE para mabigyan ng ginhawa ang taumbayan lalo na’t $80 hanggang $82 na lamang ang bawat bariles ng krudo sa world market.

“Buksan na ang kanilang libro. Sobra na iyan,” ani Suarez nang tanungin kung ano ang dapat gawin ng DOE at MalacaƱang dahil wala na umano sa katuwiran ang mga kumpanya ng langis.

“Dapat matagal na i­yang nai-rollback,” dag­dag pa ni Suarez dahil kung magtaas ng presyo ang world market ay sinasabayan agad ng mga kumpanya ng langis.(AbanteTonite)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento