Lunes, Hunyo 18, 2012

Pullout ng Chinese vessels, ipinag-utos na rin


Matapos ang ginawang pag-pullout ng Pilipinas sa mga barko nito sa pinag-aagawang Scarborough shoal, ipinag-utos na rin ng Beijing ang pagpapa-uwi sa mga Chinese vessels sa area.
Sa kalatas ng Chinese embassy sa Maynila, pinapayuhan ang mga Chinese fishermen na pansamantala munang bumalik sa mainland dahil sa banta ng bagyo sa karagatan.
Nakatakda rin umanong magpadala ng rescue vessel ang Chinese government para sa posibleng rescue operations sa kanilang mga kababayang mangingisda.
"Due to the inclement weather and strong tide in the Huangyan Island waters, in order to help Chinese fishermen and fishing boats pull out safely for shelter, Nanhaijiu-115 vessel has set out to the area to provide necessary assistance."
Una rito, pinuri ni Chinese embassy spokesman Zhang Hua ang hakbang ng Pangulong Benigno Aquino III na i-pullout sa Scarborough ang mga Philippine vessels.
Sinabi pa ni Zhang, na siya ring political section deputy chief ng embahada, na malaking hakbang ito para mapahupa ang tensyon sa pinag-aagawang teritoryo.
Pero naninindigan ang MalacaƱang na dahil sa bagyong Butchoy ang dahilan ng pagpull-out ng mga barko ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) mula sa Scarborough Shoal.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang anumang arrangenment o pressure mula sa China para iutos ng Pangulo ang nasabing pull-out.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento